Rants of a teen mom

April 27, 2012

God damn it.
This one’s gonna be mostly rants so I understand if you won’t read this one.



Masama na pala akong ina dahil sa nangyayari sa anak ko. Aba porket hindi mataba hindi na healthy? Bakit, ang pagiging mataba na ba ang bagong assesment kung malusog ang isang bata? Pasesya naman kung hindi tabain ang anak ko at super payat ko, na kahit kain ako ng kain at kahit anong overfeed sa anak ko eh hindi kami makataba taba.
Pasensya na sa lahat ng tao kung takot magbalanse at humiwalay sa mayhawak sa kanya habang naglalakad ang anak ko. Pasensya na kung may trauma siya na bumitaw mula ng nagttry siya na maglakad ng magisa at nautog sa sahig, na kahit di ko ginusto eh ang tingin niyo ay balewala lang sa akin yun.
Alam kong concerned lang kayo pero please naman KNOW WHEN TO STOP. May mga pagkukulang nga siguro ako, pero sa pagiging isang ina ibinibigay ko ang lahat ko.
Pasensya naman kung naisipan ko na kumuha ng trabaho, kung naisipan ko na mag FREELANCE HOMEBASED writer, na kahit may mga deadline eh inuuna ko yung pagaalaga ng anak ko at humingi lang ako ng tulong noong napansin ko na meron na lamang akong 3 hours to finish 3 400 word articles. Gusto ko lang bigyan ang anak ko ng regalo gaya ng matitinnong sapatos at damit ng hindi humihingi palagi ng tulong o pera sa inyo.
May hiya rin naman kasi ako, at palagi niyong sinasabi na magtipid. Napansin ko kasi na kapag may kinailangan ang anak ko sasabihin niyo na “kami na bahala” pero simpleng vaccination hindi maiusad dahil BUSY kayo palagi at ISTORBO sa trabaho at WALANG PERA ngayon, kahit na sandamakmak na milyon ang nakatago sa inyong bangko.
Nakakabanas na isipin na hiuhusgahan ka ng mga tao at pinagsasabihan ka ng paraan para alagaan ang anak mo, pero ni minsan hindi nila naranasan na maglabas ng bata sa sinapupunan nila. Porke isa akong teen ager eh lahat na lang ng pagkukulang ko ang papansinin niyo? Hanggang sa pagiging ina eh pagkukulang lang ang kaya niyong pansinin?
Hindi ba pwedeng mapansin yung mga effort ko na pagpupuyat at pagsakripisyo ko na hindi na ako pumasok ng eskwela para alagaan ang anghel ko…
Hindi ako pikunin, asarin niyo na ang lahat ng aspeto ko pero wag na wag niyo mahuhusgahan ang pagiging ina ko, lalo na’t hindi pa kayo nakakapaglabas ng sarili ninyong anak sa mundong ito. Kung mas magaling kayo na maging ina kesa sakin eh aba dapat gumawa o mag ampon kayo ng sarili niyong anak.
Sana naman buksan niyo mga mata niyo. Pinipilit ko naman na maging isang mabuting ina ah? Nakakasakit na kasi kayo. Kung wala kayong magandang sasabihin pwede pakitikom na lang ang mga bibig niyo?

You Might Also Like

0 comments

let me know what you think! If you have any questions, suggestions or violent reactions just comment below ;)

instagram: @nicolepaler